Sang-ayon ba Kayo sa Paggamit ng Interpreter ng Ating Pambato sa Miss U?!

Hindi naman kabawasan ng dignidad at katalinuhan ni Maxine  Medina kung gagamit siya ng interpreter sa pagsagot niya sa Q&A portion. Para lang hindi siya nerbyosin at makapag-isip nang maayos sa kanyang pagsagot. – Dina, Makati

Remember may case rin sa Miss U pageant na isinisi sa interpreter ang hindi tamang pag-express nito ng sagot para sa isang candidate sa pageant. May ganun nang sitwasyon dati, kaya hindi rin sigurado na sure winner sa paggamit ng interpreter. – Micha, Malabon,

Payag na si Maxine na gumamit ng interpreter, kaya dapat kumalma na ang lahat. Kayang-kaya yan ni Maxine sa rami ng mga bashers tiyak na-challenge na siyang ipag­laban niya na masungkit ang korona. -  Hannah, Novaliches

Para hindi mapahiya si Maxine dapat gumamit siya ng interpreter, tutal nasa bansa naman siya. Carry na niya ang pagta-Tagalog para hindi siya mapahiya sa grammar at nerbiyosin– Susan, Manila

May interpreter o wala, go ako kay Ma­xine. More than anything else, support ang kailangan ng ating kandidata.  With flying co­lors lalaban ‘yan si Maxine. Kapit lang mga kapatid. Huwag tayong bumitaw sa laban ni Ma­xine. – Mel, Marikina

Show comments