Chinese Horoscope for 2017 (Part 2)
OX - Ang mga taong ipinanganak sa year of the Ox ay nakakaranas ng magandang kapalaran sa Years of the Rat, Ox, Snake, Monkey at Rooster. Hindi sila masyadong sinusuwerte sa Years of the Tiger at Horse.
Kapalaran ngayong 2017 or Year of the Rooster:
Kung noong isang taon, Ox ang may pinakamasamang kapalaran, sila naman ngayon ang isa sa may pinakamagandang suwerte. Malaki ang tsansa ng single Ox na makatagpo ng mamahalin habang buhay. Ang mga may partner na or asawa, lalong lalakas ang kanilang relasyon ngunit, may malaking PERO…malaki rin ang posibilidad na magkaroon ng 3rd party. Alinman sa Ox o kanyang partner ang matutuksong kumaliwa. Magdasal na hindi mangyari ang mga bagay na ito.
Sa business people, magandang magsimula ngayon ng bagong business. Sa estudyante, ngayon ang tamang pag-aplay ng scholarship. Sa mga nagtatrabaho, malaki ang chance na ma-promote. Mataas ang wealth luck ng lahat ng Ox lalo na sa ipinanganak ng 1973, 1949 at 1937. Magdasal para mabilis na matupad.
Sa mga lalaking Ox na ipinanganak ng 1973 at 2009; babae na ipinanganak ng 1949 at 1985—sumunod lagi sa traffic rules at huwag gumawa ng dangerous activities kapag nasa labas ng tahanan. Dobleng ingat sa mga hayop na nangangagat.
- Latest