Masakit ang Tiyan, Puson, at Balakang (12)
Ang pananakit ng tiyan, balakang, puson, at likuran ay puwedeng simpleng problema lang ang dahilan pero maaaring may seryosong dahilan ito.
Puwedeng dahil sa Inflammatory Bowel Disease (Crohn’s Disease or Ulcerative Colitis), ovulation, pumutok na cyst, pagbubuntis, ectopic pregnancy, Endometriosis, Pelvic Inflammatory Disease (PID), Interstitial Cystitis, Pelvic-Floor Muscle Dysfunction o Irritable Bowel Syndrome na natalakay na natin.
Puwede rin namang dahil ito sa Appendicitis.
Ang appendicitis ay ang irritation at pamamaga ng appendix na nasa dulo ng large intestine.
Makararamdam muna ng pananakit sa paligid ng pusod. Unti-unti itong lalala at lilipat ang sakit sa ibabang kanang bahagi ng tiyan.
Mabilis na lalala ang mararamdamang cramps na gigising sa iyong pagtulog.
Masakit ito kung uubo, sisinga, o gagalaw. Ang iba nasusuka pa. Kapag pumutok ang appendix ay delikado ito. (ITUTULOY)
- Latest