Lahat ng babae ay gustong mas gumanda at maging attractive. Good news dahil hindi mo na kailangang gumastos ng malaki sa mamahaling beauty products dahil achieve na achieve ang gandang natural sa simple at murang halaga.
Heto ang ilang tips sa pagpapaganda:
? Magtunaw ng asin sa tubig, pagkatapos nito ay ilubog ang malinis na towel sa solution at ilagay sa mukha ng 10 minutes. Makakatulong ito sa mga parteng namamaga at mamumugtong mata. Mas aaliwalas din ang mukha mo sa tulong ng saltwater solution.
? Maglagay ng simpleng lip balm sa labi at i-brush ito gamit ang inyong toothbrush ng dahan-dahan. Gawin ito pagkatapos maligo. Mas healthy na labi ang hatid ng tips na ito sa inyo.
? Nakatutulong ang honey sa paghihilom ng sugat/tigyawat sa mukha. Kung ikaw ay may pupuntahang party o date kinabukasan, isa ang honey sa pinakamabilis na solusyon diyan. Ilagay lang ang honey sa mismong pimple, ibabad ng 15 minuto at banlawan.