Ang kanang tainga ay mas malakas mag-pick up ng mga words at speech. Kaya kung makikipag-usap sa telepono o mobile ay itapat ang ear phone sa right ear, para madaling maintindihan ang sinasabi ng kausap. Dahil ang right ear ay nakalinya sa hemisphere ng brain na responsible sa pag-analisa ng words at speech. Samantalang ang left ear ay mas madaling makasagap ng music at ibang tunog. Ang kaliwang tainga ay sensitive sa sounds of music o mga kanta na naririnig na konektado rin sa receptor sa bahagi ng brain.