Dear Vanezza,
Single parent ang nanay ko na very cool sa lahat ng bagay. Dalawa lang kaming anak ng kuya ko na pinalaki niya hanggang ngayon teenager na kami. Pangarap ni nanay na makapag-asawa ng foreigner. Ang kaso ayaw ng kuya ko na mag-asawa muli si nanay. Kaya ako na gusto niyang mag-asawa ng ibang lahi. Huwag daw muna akong mag-asawa habang nag-aaral ngayon dahil plano niyang dalhin kami sa Canada in the future. Kaso hindi ko naman type ang mga puti. Maraming gustong manligaw sa akin pero ayaw ni nanay. Kahit meron akong type na manliligaw ay ayaw din ni nanay. – Lilet
Dear Lilet,
Huwag mo munang problemahin ang lovelife, kundi pokus muna sa pag-aaral. Maaaring magbago pa ang isip ng nanay kapag balang araw na may seryosong lalaking manliligaw sa iyo kahit Pinoy. Hindi naman mapipigil ng nanay mo kung may type na Pinoy. Dahil hindi saklaw ng nanay mo ang iyong magiging desisyon.
Sumasainyo,
Vanezza