8 mabilis na paraan para suwertehin (Part 2)
Base sa Chinese metaphysics, ang “yang energy” ay positive energy na nagdudulot ng magandang kapalaran. Sa kabilang banda, ang “yin energy” naman ang tinatawag na negative energy na nagdudulot ng kamalasan sa buhay. Ano ang signs na minamalas ka? Aksidente, ikaw ang flavour of the month ng mga tsismosa sa opisina, laging nagkakasakit, sunud-sunod ang pagkasira ng mga gamit sa bahay at marami pang iba. Para mawakasan mo ang pagdaloy ng “yang energy” sa iyong buhay, narito ang mga mabilis na paraan para makamtan ang “yin energy”:
3— Magpaaraw alinman sa oras ng 11 A.M. hanggang 1 P.M. dahil ito ang sandali na pinakamalakas ang yang energy. Pag-ingatan lang na huwag magkaroon ng sunburn. Para hindi direktang masikatan ng araw, pumuwesto sa ilalim ng puno. Sapat na ang 30 minutong pagpapaaraw.
4— Maglangoy sa dagat. Ang mainam na oras ay sa umaga at sa hapon bago sumapit ang 3 P.M. Ang asin mula sa dagat ay magandang panghugas ng negative energy sa katawan. Mainam din maligo sa hot spring. - Itutuloy
- Latest