Maepal na hipag
Dear Vanezza,
May reunion kami next month dahil paalis na ang kuya namin papuntang Canada. Kaso naiinis akong makita ang isa ko pang maepal na hipag na saksakan ng yabang. Hindi na nawalan ng inggit sa katawan na sa harapan namin ay inilalait ang bunso kong kapatid na kesyo walang asenso sa buhay. Siya ang dahilan kung bakit ayaw kong pumupunta sa aming reunion. Kundi lang sa magulang ko ay hindi ako pupunta. Kaya tuloy sinisiliban ang paa ko at agad akong umaalis sa aming reunion. – Karen
Dear Karen,
Ganun talaga hindi tayo nawawalan ng hipag na may something ang ugali. Mabuti at hindi mo pinapatulan si hipag kahit hindi mo binanggit. Hindi mo naman kailangang harapin ang hipag mo dahil tiyak marami ka pang kamag-anak na makakausap sa inyong reunion.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest