Ipatong ang dalawang kamay sa mesa. I-relax ito nang nakatihaya. Tingnan kung saan ito magma-match sa tatlong illustration: A, B, or C?
Kung Kapareho ng Illustration A: Maluwang or Malaki ang Puwang sa Pagitan ng mga Daliri—Hindi mapagkunwari, prangka, malakas ang PR, magaling makisama kaya maraming kaibigan.
Kung Kapareho ng Illustration B: May Maliliit na Puwang—
Magaling magpatawa kaya sumasaya ang paligid kung nasaan siya. Kahit open siya sa mga kaibigan, nagtitira pa rin siya ng sikreto para sa kanyang privacy.
Kung Kapareho ng Illustration C: Walang Puwang—Marespeto siya sa kanyang kapwa. Ang hirap lang sa kanya, sarili lang niya ang pinagkakatiwalaan. Lagi siyang nagdududa sa ibang tao.