May mga body language na clue para masabing puwedeng pagkatiwalaan ang isang tao. Pero hindi rin aware ang marami na may mannerism na nagpapakita ng bad personality ng indibidwal sa kanilang body language:
Pag-cross ng arms at legs - Sanay ang ilan na mag-cross ng legs na naka-Indian seat ang mga binti at pagtiklop rin ng mga kamay sa harapan ng dibdib. Minsan nagagawang itiklop ang mga kamay at paa ay dahil nanlalamig.
Pero ayon sa expert, ang ganitong body language ay nakaka-block o nakahaharang ng pagtitiwala mula sa kausap na parang may itinatago at hindi all out sa isang bagay. Siguraduhing ang katawan ay open, na hindi naka-cross ang legs o naka-Indian seat at hindi na tiklup-tiklop ang mga kamay kapag may kausap.
Pag-upo sa High Chair - Indikasyon ito ng pagiging dominante sa ibang kasama lalo na sa opisina. Maganda ito sa ilan lalo na kung gustong maging powerful sa isang grupo. Pero hindi ito effective kung ang intensiyon ay mag-build up ng tiwala sa iba lalo na sa kliyete, customer, at kaibigan. Kailangan ay umupo kasama ng grupo na pantay na nakaharap o nakikipag-usap sa kanila.
Bukas ang Palad – Kapag nakaturo ang mga daliri ay parang nag-aakusa at kung nakatikom naman ang palad ay parang manununtok. Kahit pa ginagamit lang ang ganitong galaw kapag nagbibigay diin sa sinasabi. Pero may negatibong impresyon kapag naka-close fist ang mga daliri at nakasara ang mga palad. Dahil sarado rin ang isipan sa tiwala ng iba ayon sa research ng Reader’s Digest.
Kaya dapat ay laging open ang mga kamay kahit nagpapaliwanag. Dahil ito ay nagpapakita ng openness na kahit may sinisisi o pagkakamali ang ibang kasama, pero dama pa rin nila ang sensiredad na puwede kang pagkatiwalaan.