Naisip n’yo na ba kung may katumbas ang Bermuda Triangle sa kalawakan (space)? Puwes oo, mayroon nga at ito ay tinatawag na South Atlantic Anomaly (SAA). Ang SAA ay isang lugar kung saan ang “band of radiation” na tinatawag na Earth’s inner Van Allen belt ay pinakamalapit sa mundo.
Ito’y matatagpuan sa halos gitna ng Brazil at nagdudulot ito ng maraming problema sa mga satellite at spacecraft. Ginugulo nito ang mga programa ng anumang satellite o spacecraft na napapadaan sa lugar at kadalasan ay namamatay ang system ng mga ito. Maging ang Hubble Telescope nga ay namatay at tumigil sa pag-record ng video nang mapadaan sa SAA. Ang International Space Station naman ay iniiwasang mag-schedule ng spacewalks ‘pag napapadaan sa lugar na ito (na nangyayari 5 beses kada-araw). Pero hindi lang technical problems ang naire-report dito, maging ang mga astronauts ay may nakikitang “shooting stars” sa kanilang visual field ‘pag nadadaanan ang SAA.
Walang makapagpaliwanag ng mga nangyayari sa lugar na ito sa kalawakan. Ang pangunahing suspetsa ng mga eksperto ay ang mataas na lebel ng radiation ang nagdudulot ng mga hindi maipaliwanag na kaganapan. Pero hindi sila sigurado kung paano at bakit ito nangyayari. Ipinagpapalagay na lang na may kinalaman ito sa mga alien.
Alien nga ba ang may kagagawan nito o isa lamang misteryo ng kalikasan? Kayo na ang humusga.