1. Ibabad ang paa sa pinaghalong liquid soap at mainit na tubig sa loob ng 20 minuto. Hilurin ang mga dead skin cells at lagyan ng foot cream pagkabanlaw. Magmedyas sa pagtulog.
2. Ibabad ang paa sa maligamgam na tubig at hilurin. Punasan at lagyan ng coconut oil. Magsuot ng medyas sa pagtulog at banlawan paggising sa umaga.
3. Magpainit ng paraffin wax at lagyan ng magsindaming mustard oil at coconut oil. Ipahid ang nagawang paste sa cracks sa paa at magsuot ng medyas.
4. Maghalo ng magsindaming glycerin at lemon juice. Ipahid ito sa paa at iwan ng 20 minuto bago banlawan.
5. Ibabad ang paa sa foot tub na may maligamgam na tubig at 1/2 tasa ng epsom salt sa loob ng 10 minuto. Hilurin ang paa at ibabad uli ng 10 minuto bago punasan at lagyan ng petroleum jelly.
6. Maghalo ng ½ tasang suka at 2 tasa ng tubig. Ibabad ang paa rito sa loob ng 15 minuto. Lagyan ng petroleum jelly pagkabanlaw.
7. Maghalo ng lemon juice sa maligamgam na tubig at ibabad ang paa sa loob ng 10 minuto. Hilurin ang paa at banlawan. Punasan at lagyan ng moisturizer.