Sa pag-apply ng trabaho karamihan sa mga aplikante ang unang napapansin ay ang kanilang suot na sapatos kung ito ay well polish.
Kahit kanino ang unang nakakaagaw ng pansin ay ang suot-suot na sapatos. Kahit sa ara-araw na pagpasok sa trabaho ay kailangan ang malinis o makintab na suot na shoes.
Sa mga kapulisan, kadete, at ilang sa mahihigpit na private schools ay nagbibigay ng demerit kapag hindi naka-shine ang black shoes.
Importane naman talagang bigyang halaga ang suot na sapatos na sa simpleng pagpupunas o pagpa-polish at pagpa-repair ng talampakan. Hindi lamang para magtagal ang sapatos kundi pagpapakita rin ng personality na marunong kang magbigay ng atensiyon kahit sa maliliit na detalye.
Ito ay reflection din ng pagkataon na may oras ka sa iyong sarili para magmukhang presentable na nagkakadagdag ng compliment sa maayos na pananamit mula sa kahit sa simpleng suot na sapatos. Dahil kahit anong mangyari ay napapansin at hindi maiwasan na nakakairita sa paningin ng ibang tao ang nakaka-tun off na dirty shoes. Kaya mag-time out na magpunas o magpa-shine ng maduming shoes o baka naman oras na rin para palitan ito ng bago.