Ang pagkakaroon ng journal o diary ay hindi lang pagre-record ng document ng iyong mga karanasan sa buhay, maganda rin ito sa kaisipan bilang mental health.
Sa pag-aaral ng Psychotherapy, ang pagsusulat sa diary o journal ay epektibong exercise na pangtanggal ng stress.
Bago matulog ay mag-jot down lang ng ilang minuto kung ano ang nangyari sa maghapon. Ang iba inilalabas ang kanilang mga hugot lines sa isang notebook o pino-post sa Facebook. Basta isulat lang ang laman ng iniisip. Puwedeng ibuhos ang lahat ng hinanakit. Huwag i-edit. Walang format at kahit walang order. Kahit ang mga bagay na sa palagay ay walang sense. Basta let it flow at ibuhos kung ano ang laman ng puso at isip.
Napatunayan din ang mga pasyente na nai-express ang kanilang sarili sa pagsusulat ay mas nababawasan ang nararamdamang anxiety at depression sa buhay. Isang paraan ito para mabawasan ang mga pag-aalala kung ano ang gagawin kinabukasan. Kaya hindi dapat big deal ang pagkakaroon ng journal para sa to-do list para sa sariling planner.