Beauty secrets noong unang panahon

Egg – Hanggang ngayon ay ginagamit pa rin ang itlog sa pagpapaganda. Isa si Zhang Lihua, dating reyna ng Chen dynasty sa Tsina sa mga nagsimulang gumamit ng puti ng itlog sa pagpapaganda noong 600 b.c. Ginagamit ito sa buong mukha at leeg upang mas mukhang banat ang mukha.

Gwantes – Takot tumanda ang huling prinsesa ng France na si Marie Antoinette. Alam din niya na sa kamay unang makikita ang senyales ng pagtanda gaya ng pangungulubot. Para maiwasan ito, nagsusuot siya tuwing gabi ng guwantes na may wax, rose oil, at almond oil sa loob lumambot ang mga ito.

Buwaya – Ginagamit ng Ancient Greeks ang dumi ng buwaya para sa pagpapaganda ng mukha. Pinaniniwalaan din nila na nakapagpapagaling ito ng ilang mga sakit.

Gatas at pulot – Isa si Cleopatra sa pinakamagandang babae noong unang panahon. Napakakinis at napakaputi raw ng kutis nito. Ang kanyang sikreto, naliligo siya sa gatas, ho­ney, at olive oil.

Show comments