^

Para Malibang

Kulubot sa mukha

KUKAY KIT - DC - Pang-masa

1. Para sa namumugtong mga mata, ilagay sa mata ang kutsarang pinalamig ng magdamag sa freezer.  Epektibo rin ang paglalagay ng malamig na pipino at teabag sa mata ng hindi bababa sa limang minuto.

2. Para sa acne/tigyawat sa mukha, makatutulong ang paglalagay ng fresh na aloe vera sa apektadong area. Mayroon itong anti-inflammatory properties na siyang responsible para ‘wag lumalala ang nakakairitang acne sa mukha.

3. Dahil sa mataas na beta carotene level ng carrots at maging sa taglay nitong Vitamin A, epektibo ito sa pagpapaaliwalas ng iyong aura. Mainam ito sa mga taong laging namumutla. Naaayos nito ang skin tissues at pinoprotektahan ang balat laban sa matinding init ng araw.

4. Kung magaspang na balat naman ang inyong problema, abot kaya ang sagot para riyan. May sapat na rami ng Vitamin E na matatagpuan sa mangos, almonds, broccoli, at spinach. Nakatutulong ito para sa paglago ng cell at tissue upang mapalitan ang magaspang na balat ng malambot at mala-porselanang kutis.

5. Hindi mapipigilan ang pagdami ng wrinkles o kulubot sa mukha na dulot ng pagtanda pero may paraan upang mapabagal ito. Nakatutulong ang pagkain ng mga dark leafy greens o ‘yung mga gulay na kulay dark green ang kulay (halimbawa: spinach, kamote, lettuce, alukbati, broccoli, at iba pa) upang mapabagal ang pagsulpot ng mga kulubot sa mukha.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with