Mahirap na mawalay sa misis, anak, at pamilya ng isang overseas Filipino workers. Malaking hamon sa OFW na harapin ang hirap ng trabaho at walang kadamay sa araw-araw.
Pero hindi ito excuse para magpadala sa tukso at makipagrelasyon din sa iba habang naiwan sa ‘Pinas ang misis at buong pamilya.
Mahalaga ang bukas na komunikasyon, pagtitiwala, pagiging tapat sa commitment sa iyong asawa, at maging sa iyong anak.
Isipin ang hangarin kaya lumayo sa asawa at pamilya ay para maiahon sila sa hirap. Huwag sayangin ang pinaghirapan at labanan ang tukso. Maging tapat sa asawa hindi lang sa mga OFW kundi maging sa mga naiwang misis. Magtiwala at huwag padadala sa emosyon. Iwasan din makipag-chat sa iba upang hindi ma-develop kung saan doon nagsisimula ang tukso.
Dapat laging nagtatawagan bilang bonding para lalong tumibay ang bawat relasyon ng hindi masira ang hangad na forver ng mag-asawa.