^

Para Malibang

Aswang Territory (212)

ASWANG TERRITORY - Gilda Olividado - Pang-masa

NAPAKABANGIS pa rin ni Simeon, ang tingin kay Avia ay isang babaing aswang na mabait at mahina.

“Kahit pa sana kasama mo ang dalawang lalaking nauulol sa iyo, Avia! Para tatlo kayong magugutay-gutay ko! Pero de bale, pagkatapos mo, sila naman! Madali ko naman silang mahanap at mapatay!”

“Kung makakalusot ka sa akin! Tayo lang namang dalawa ang orihinal na aswang, hindi ba, Simeon? Magkaiba nga lang tayo, ako ay mabait! Ikaw ay taga-impiyerno! Tayo lang dalawa ang dapat maglaban! Ngayon!”

At pinasiritan agad ni Avia ng holy water ang hari ng mga masasamang lahi. Ang bilis nga lang nakailag ni Simeon.

Hindi tinamaan.

Bigla naman itong tumalon kay Avia, handa na ang mga pangil at mga matatalim na kuko.

Pero mabilis ding nakalipad si Avia sa ibang direksiyon. Tumaas pa siya nang konti para hindi maabot ni Simeon.

Nang bigla siyang kabahan. Dahil gumaan na ang liquid gun na dala niya. Ibig sabihin ay paubos na ang laman na holy water nito.

Mabilis na nakapag-isip si Avia, lumipad palayo kay Simeon.

“Bumalik ka dito, babaing duwag!” Gigil na gigil si Simeon.

Parang walang narinig si Avia, pabalik siya sa imbakan ng holy water na nasa labas ng ospital.

Nadadaanan niya ang mga naglalaban na mga kalahi at mga kalahi ni Simeon. Mababa­ngis, hindi umuurong.

Nadadaanan din ang mga magulang ni Armani at mga kabataang tumutulong.

Dalawang aswang na masasamang lahit ang pinasisiritan ng mga ito ng holy water.

May natanaw si Avia na nagpasinghap sa kanya. Hindi niya akalaing sumama pala sa labanang ito si Father Albert.

Nasa tabi ito ng isang baldeng holy water. May hawak itong tabo. At sinasabuyan ng holy water ang tatlong masasamang lahi na lalapit sa kanya.

Kayang-kaya pa ring patayin ng tatlong masasamang lahi si Father Albert dahil kahit may holy water ito, mahina na.

Patalikod na winakwak ng mga pangil ni Avia ang batok ng isang masamang lahi. At buong lakas na hinampas ng kanyang mga pakpak. Tumba ito, masama na agad ang lagay. Itutuloy

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with