^

Para Malibang

Aswang Territory (210)

ASWANG TERRITORY - Pang-masa

NAPALINGON sabay-sahay sina Avia nang maramdamang ang maraming pumanhik sa kisame.

Kahit medyo madi­lim, kita nilang hindi mga tao ang dumating.

Napasigaw si Avia. “Humanda kayo! Mga sakop sila ni Simeon! Ang dami nila!”

“Avia, ikaw na lang ang bumaril nang bumaril ng tubig kay Simeon hanggang sa mamatay siya. Kami na ang bahala sa mga aswang na ito!”

“Sige ho! Tiyakin n’yo lang na tamaan nang husto sa kanilang ulo at puso. Iyon ang mga kahinaan nila.”

 Humarap nga ang mga magulang ni Armani pati mga kabataang sumusuporta sa mga bagong dating na aswang.

At pinasiritan ng holy water ang mga ito.

Ang iba ay tinamaan. Ang iba ay hindi.

Si Avia naman ay hinarap si Simeon at binaril ng holy water. Pero maliksi ito, mabilis umilag.

Nag-transform si Avia. Naging aswang na lumilipad. Bitbit pa rin ang liquid gun ni Draz.

Hinabol niya si Simeon na kahit nasa kisame ay mabilis gumapang.

Natapatan ni Avia si Simeon at muling itinutok ang holy water dito.

Pero may mga sakop na si Simeon na nakara­ting sa kanyang kinaroroonan.

At dinumog siya. Lumaban si Avia. Nakabaril pa siya ng ilang masasamang lahi.

Pero may mga lumapit pa na mga masasamang lahi. Hanggang siya ay nasukol na.

“Gutay-gutayin n’yo siya!” Sigaw ni Simeon.

Wawarakin na sana ng mga masasamang lahi si Avia nang bigla na lamang nasira ang mga kisame at naglaglagan sila.

May mga wumawarak sa mga kisame, ang mga kalahi ni Avia. Isang giyera na nga ng mga aswang ang nagaganap.

Nakarating na sa ospital  ground floor ang labanan. Wala nang mga pasyente at mga hospital personnel dahil nailigpit na sila. Malayo sa panganib at damay.

Sa labas ng ospital, walang makalapit. Dahil alam na madugo ang labanan sa loob. -   ITUTULOY

 

                                           

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with