^

Para Malibang

Aswang Territory (207)

ASWANG TERRITORY - Gilda Olividado - Pang-masa

MARAMING pu­tok pero mas marami ang mga daing at hiyaw ng takot at kamatayan.

“Avia, ano na sa palagay mo ang nangyayari? Mapapatay kaya si Simeon?”

Nagpakatotoo naman ng pagsagot si Adea. “Wala pong ganyan karaming sumisi­gaw kung si Simeon ay humihina man lang, Tita.”

“Ano ang gagawin natin? Makikinig na lang habang mauubos ang mga sundalo at pulis dito?” Tanong ng ama ni Armani.

Hindi pa rin makakilos si Avia dahil in command pa rin ang lider ng kapulisan at lider ng mga sundalo.

“The three lines ... go!” At tatlong mahahabang linya ng mga pulis at sundalo ang sumugod na rin sa combat area.

Wala nang nakabalik. Nauubos na ang mga linya. Sa mga linyang pinakahuli, kasama na ang lider ng mga pulis at lider ng mga sundalo.

Kaya nagpasya na si Avia. “Hindi na natin hihintayin na mauubos silang lahat. Susugod na tayo! Ihanda ang mga armas! Ang atake ... sa kisame! Naroroon si Simeon!”

Buong tapang na pumanhik sa dalawang hagdan papuntang loob ng kisame sina Avia.

Ang agad sumalubong sa kanilang tanawin ay ang mga katawan ng mga pulis at sundalo na halos nagpatong-patong na, lahat patay o kaya naghihinga­lo. May mga lumalaban na mangilan-ngilan, mga bagong dating o kasusugod lang.

Kasama na ang dalawang lider ng kapulisan at kasundaluhan. Hindi pa naman nasusugatan ni Simeon ang mga ito, nakakabaril pa nga kay Simeon.

Pero dahil sa liksi ng pinuno ng aswang, kung saan-saan lamang tumatama ang mga balang natatapon.

“Ihanda ang mga baril ng holy water, itapat kay Simeon ... fire!” Buong tapang na nag-utos si Avia.

Napalingon sa kanila si Simeon, hindi agad nahulaan nito kung ano ang laman ng mga baril nina Avia.

Pero nang sumirit ng malakas at tumama sa kanya ang mga benditadong tubig ay umusok na si Simeon.

At napasigaw ito nang malakas sa sobrang sakit na tumama sa kanya.

“Tinatablan nga siya! Ikamamatay nga niya ito!” Napasigaw sa tuwa si Avia.

PERO may mga bagong dating sa labas ng ospital at tuluy-tuloy lang na pumasok ang mga kalahi ni Simeon. Babae, lalaki, bata, matanda ... mga masasamang lahi lahat. Dumating na ang suporta ni Simeon. Itutuloy

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with