^

Para Malibang

Aswang Territory (206)

ASWANG TERRITORY - Gilda Olividado - Pang-masa

NAGHAHANDA na ang combined forces ng mga pulis at sundalo sa pagpanhik sa kisame.

Naibigay na sa kanila ng engineering department ng ospital ang mapa ng buong kisame.

Naghahanda na rin si Simeon sa paglaban kahit pa hindi  lubos ang pagbalik ng kanyang lakas. At may mga maliliit pa siyang sugat na hindi pa naghi-heal.

Pero ang kanyang mga matatalas na pangil at mga kuko na pulang-pula pa ng mga dugo ay hindi na makapaghintay para dumurog at gumutay—gutay ng buhay.

MAY natatandaan naman si Armani na mga ditalye noong nasa spirit world siya. Siguro tulong na rin sa mga mababait na aswang ng makapangyarihang nasa itaas.

“Avia, panaginip man o totoong nangyari sa spirit world ... ang kayang pumuksa kay Simeon ay holy water. Kahit ‘yung mga nasa entrada ng simbahan na ginamit natin kapag mag-sign of the cross papasok.”

“Paano mo ito nalaman, Armani?”

“Dahil pumasok sa katawan ng basurero ang kaluluwa ko at binuhusan ko si Simeon ng holy water. Itinapat ko sa kanyang mga sugat. Umusok ang mga iyon at parang natutunaw. Lalong naghingalo si Simeon.”

“Titingnan ko ang magagawa ko, Armani. Kung paano ako makakatulong sa mga alagad ng batas na naghahanap pa rin kay Simeon ngayon. Pupunta ako sa ospital na pinagdalhan sa kanya na nagresulta ng kamatayan nang marami.”

“Mag-iingat ka, Avia. Pag-isipan mong mabuti kung paano ka makakalaban na hindi ka made­dehado. Dahil wala kang kakamping mga mabubu­ting aswang dito, hingin mo kaya ang tulong ng mga magulang ko?”

“Okay!”

DUMAAN si Avia kay Draz at ito tulad ni Armani ay nagkamalay na rin. Nang nalaman ang plano ni Avia, may naisip din ito.

“Pumunta ka sa aking condo unit, magdala ka ng mga taong makakatulong sa ‘yo. May mga liquid guns ako doon, puwedeng lagyan ng mga mga likidong lason at ii-spray sa kaaway. Ang mga liquid guns na ito ang lagyan ninyo ng holy water, together with your companions, humarap kayo kay Simeon na may tamang armas para sa hayup na ‘yon.”

Natuwa si Avia. “Salamat, Draz! You’re really a genius!”

HINDI lamang mga magulang ni Armani ang kasama ni Avia, may mga kabataan ding kapitbahay na handang tumulong sa kanila. Naging parang maliit na army sila na handang magpakamatay masugpo lang ang pinakamabangis na aswang ng bansa. Itutuloy

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with