^

Para Malibang

Aswang Territory (202)

ASWANG TERRITORY - Gilda Olividado - Pang-masa

AT SA kasamaang palad nga ay inililigtas na si Simeon sa mala­king ospital na pinagdadalhan sa kanya.

Dahil nga siguro hapis ang mukha dahil muntik nang mamatay, hindi agad siya nakilala ng mga doctor at nurses bilang guwapong lala­king pinaghahanap dahil suspect sa kakaibang kamatayan ng mga biktima.

Naituro na siyang aswang pero ngayon ay malaya na siyang inililigtas.

ANG sama naman ng loob ni Draz.

Hindi na nga napatay si Simeon, hanggang ngayon ay wala pa rin si Armani.

So paano na ako? Nabigo na ngang makatulong para sa kabutihan ng lahat, ispiritu pa rin na walang silbi?

Nang biglang may puwersang humatak sa kanya pababa. At hindi na niya namalayan ang pagpasok niya sa kung ano.

NAGKAKAGULO na rin ang mga doctor at nurses sa katawan ni Draz.

“He’s alive! His heart just turn normal!” Masayang nasabi ng isa sa mga doctor.

Si Avia naman ay nasabihan na.

Nagmamadali itong lumabas sa recovery room ni Armani para pumunta kay Draz.

“Nabuhay si Draz ... oh, my God ... totoo nga palang nangyayari ang double miracle! Sabay na akala ko mamamatay silang dalawa pero pareho silang pinabalik ng Diyos sa mundo.

“Dahil kaya pareho pa  silang may misyon?”

PERO buhay na buhay na rin si Simeon, ligtas na ligtas na. Normal na lahat na vital signs.

“Ang bilis niyang naka-recover, ano?” Nag-comment ang isang nurse sa kapwa niya nurse na nasa ICU din.

“Kakaiba nga ang recovery niya, e. Sabi ni Doktor Nehem.”

“Napansin mo ba kung gaano pala kaguwapo ang lalaking ito?” Kinilig ang unang nurse.

Natitigilan naman ang pangalawa na titig na titig din sa mukha ni Simeon. “Ang napansin ko, he looks familiar.”

“Baka may kahawig na artista?”

“Aywan ko ba. Baka. Oy, puntahan naman muna natin ‘yung ibang pasyente tutal wala na siya sa critical condition.”

“Walang nagbabantay sa kanya.”

“Pagkatapos natin doon sa ibang pasyente, de bumalik na kaagad tayo dito.”

Noong nasa ibang hospital room na sila, saka naalala ng nurse kung bakit pamilyar si Simeon. “Siya ‘yung sinasabi nilang maraming pinatay dahil aswang!” Itutuloy

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with