^

Para Malibang

Dark spots sa mukha

KUKAY KIT - DC - Pang-masa

Lingid sa kaalaman ng karamihan, ma­ra­ming paraan para mawala ang dark spots sa mukha na matagal nang pinoproblema ng karamihan.

Ang dark spot ay na­ku­kuha dahil sa pagkakaroon ng tagihawat, acne, at iba pang skin problems. Masyado rin madami ang melanin sa bahaging iyon ng katawan kaya lalo itong nangingitim.

Ang ilan pang factors sa pagkakaroon nito ay ang stress, masyadong pagbababad sa araw, hormonal imbalance, wala masyadong tulog, o vitamin deficiency.

Heto ang ilang home remedy para mawala/mabawasan ang inyong dark spots:

1. Lemon Juice – Hitik sa Vitamin c ang lemon na makatutulong sa pagpapaputi ng dark spots sa iyong mukha. Ilagay ito ng direkta sa mukha gamit ang bulak. Hayaan itong matuyo at saka banlawan ng malamig na tubig.

2. Oats – Ang pagla­lagay ng oatmeal mask sa mukha ay makatutulong para maalis ang dead skin at dark spot sa mukha. Ihalo ang dinurog na oatmeal sa lemon juice o calamansi hanggang makabuo ng paste. Ilagay sa mukha at hugasan sa mali­gamgam na tubig ‘pag natuyo na.

3. Patatas – Epektibong pampaalis ng dark spot ang patatas. Pwede itong hiwain at ilagay ng direkta sa mukha. Pwede rin itong gami­ting mask; kailangan lang ihalo ang durog na patatas sa honey at saka ibabad sa mukha ng 20 minuto, at banlawan.

4. Aloe Vera – may healing properties ang aloe vera. Mabisa itong pampaputi lalo na sa mga area na umitim dahil sa araw. Ikuskos lang ang laman ng aloe vera ng 30mins sa apektadong bahagi ng katawan/mukha at banlawan ng malamig na tubig.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with