Homemade nose strip
Marami nang nausong produkto para mas mapabilis at mapadali ang paglilinis ng mukha.
Ilan na dito ang nauusong nose strip na inilalagay sa ilong para mabilis na maalis ang impurities, o ang tinatawag na black heads. Ilalagay mo ang iyon sa iyong ilong at maghihintay ng 10 minuto. ‘Pag natuyo na ay pwede nang alisin at agad mong makikita ang mga dumi na natanggal sa iyong ilong.
Medyo may kamahalan nga lang ito at hindi swak sa bulsa ng mga ordinaryong mamamayan kagaya natin.
Buti na lang ay pwede na itong gawin gamit ang mga simpleng kasangkapan a makikita sa bahay.
Mabisa ang puti ng itlog para maalis ang blackheads. Magsawsaw lamang ng tissue sa puti ng itlog, ilagay ito sa ilong at patuyuin at saka balatan.
Pwede rin gumamit ng gelatin, tunawin lang ito sa maligamgam na tubig at ilagay sa ilong. Balatan ito pagkatapos ng 10 minuto.
- Latest