Iba’t ibang gamit ng toothpaste

1. Pantanggal ng mantsa – Mabisa na pang-alis ng mantsa ang putting toothpaste. Pwede ito lalo na sa mga damit na nalagyan ng lipstick, tinta, at iba pang dumi na mahirap alisin. Dapat lang siguraduhing ma-cover ng toothpaste ang lahat ng dumi at saka kusutin o gamitan ng brush.

2.  Panglinis ng mga alahas –­ Pwedeng-pwede gamitin ang toothpaste sa panlinis ng iba’t ibang uri ng alahas mula sa simpleng silver hanggang sa diamond. Mapakikintab nito ang iyong accessories gaya ng paglilinis ng mga eksperto sa mga alahas.

3. Mabisa ito sa paglilinis ng bahay – Pang-alis din ng mga dumi sa kisame at dingding ang toothpaste. Kung madumi naman ang iyong sahig o carpet ay pwede rin itong gamitin. Ihalo lamang ang toothpaste sa konting tubig at gamitan ng towel ang bagay na lilinisan.

4. Pampabango ng kamay – Hindi maiiwasan na mangamoy ang ating mga kamay pagkatapos nating magluto lalo na ang paghihiwa ng bawang at sibuyas. Gamitin lang ito na parang sabon.

5. Para sa kagat ng insekto at pimple – May eucalyptus din ang ilang toothpaste na siyang ginagamit para gumaling ang mga kagat ng insekto. Pwede rin itong ilagay direkta sa mukha ng overnight para matuyo ang tagihawat.

 

Show comments