Home-made beauty remedies
Pampawala ng cellutite o ‘yung mga taba-taba na madalas na nakikita sa ating mga hita ang pinaghalong kape at olive oil.
Tunawin lang ang ½ tasa ng kape sa dalawang kutsarita ng olive oil. Ipahid ito sa buong hita at balutan ng plastic. Gawin ito ng 2-3 tatlong beses sa isang linggo.
Para sa puffy eyes o namumugtong mga mata, ang puti ng itlog ang solusyon.
Ihiwalay lang ang egg whites at haluin ito hanggang maging foam ang hitsura. Ilagay sa puffy eyes ng 15 minuto at banlawan.
Nakakaputi ng ngipin ang pinagsamang strawberry at baking soda. Durugin lang ang prutas at ihalo sa baking soda. Ilagay sa ngipin at ibabad ng limang minuto at banlawan. Nakakabango rin ito ng hininga.
- Latest