Grabe na ‘to! Isang anim na taong gulang na bata ang natupad ang pangarap na maging isang director (boss).
Sa murang edad ni Sam Pointon, nakamit niya agad ang pangarap na maging isang boss nang magretiro ang bossing ng York’s National Railway Museum na si Andrew Scott. Dahil determinado ang bata, sumulat ito sa mga namamahala ng Museum at sinabi sa liham kung bakit siya nararapat sa posisyon. Kabilang sa kanyang “credentials” ay ang pagpapatakbo nang sabay ng dalawang tren na nakasaad sa kanyang nakatutuwang liham.
Dahil nakyutan ang museum staff sa ginawa ni Sam, binigyan ito ng honorary position na “Director of Fun”. Ang kanyang trabaho ay sabihin sa mga big bosses kung paano mas magagawang masaya para sa mga bata ang train museum.
Aliw dahil kahit bata pa at sa kanyang pagpupursige ay nakuha niya ang kanyang gustong gawin sa buhay. Isang magandang inspirasyon sa matatanda ang ginawa ni Sam.