Bato na ipupokpok sa ulo

Dear Vanezza,

Ako po si  Len-len. Nag-break kami ng aking bf 2 years ago. Mahal kong masyado ang aking first and last bf. Muli kaming nagkita, pero iba na siya ngayon. Dahil adik na ito na naligaw ng landas dahil sa barkada. Mahal ko pa siya. Ano ang gagawin ko?

Dear Lenlen,

Kailangan mo nang mag-move on at kalimutan na siya dahil sa kanyang kalagayan. Kung wala ka pang nakikitang magpapatibok muli ng puso mo, okay lang. Pero huwag mong balikan ang dating mong BF dahil tiyak na kumuha ka lang ng bato na ipupokpok sa ulo mo dahil problema lang ang papasukin mo.

Sumasaiyo,

Vanezza

                                                                                 

Show comments