Mahabang pilik-mata
Para sa ating mga kababaihan, ang pagkakaroon ng mahabang pilik-mata ang isa katangian ng pagiging maganda. Usung-uso ang mga produkto na mabilis na makapagpapahaba ng iyong mga pilik-mata pero ito ay may kamahalan.
Samantala, alam niyo ba na may mga parang natural para mapahaba ang mga ito? Heto ang ilan:
Castor oil – Kilala na ang castor oil hindi lang sa pagpapahaba ng pilik-mata kundi maging ng ating buhok at kilay. Bago matulog, ipahid lamang ito gamit ang cotton buds sa ibabaw n gating mga pilik mata.
Lavender oil – Ayon sa isang pag-aaral, napatunayan nang epektibo ang lavender oil sa pagpapatubo ng buhok, ihalo lamang ito sa coconut oil at ipahid bago matulog. (kumunsulta muna sa doctor kung ikaw ay may allergy).
Masahe – Masahihin ang paligid ng mata bago matulog para ma-relax ang iyong mga muscles. Gawin ito ng dahan-dahan bago matulog at pagkagising.
- Latest