Grabe na ‘to! Ang sampung taong gulang na si Christopher Wheeler ng Montgomery, Alabama ay nagpakabayani nang manehuhin niya ang isang truck sa highway.
Ang grade three student ay sumama sa 70 taong gulang na si Alfred Smith kung saan minamaneho nito ang truck papuntang local scrapyard. Nawalan ng kontrol ang matanda nang atakihin ito ng kanyang diabetes. Nawalan siya ng malay at dire-diretso ang truck papuntang highway. Namataan ng Special Agent na si Eric Salvador ang gumegewang na truck pero wala itong nagawa dahil nawalan nga ng malay ang matanda.
Pero mabilis na nag-isip ang batang si Christopher at bago pa makaaksidente ay nagawa nitong manehuhin ang truck. “I put my foot on the brake, and I got the steering wheel and pulled it over and put it in park,” kwento nito.
Ang matanda ay naospital ngunit nasa maayos nang kalagayan. Ang istorya ay nai-post sa Facebook page ng Alabama Law Enforcement at umabot na ng libu-libong shares at likes.
Si Christopher ay pinarangalan sa kanyang pagiging matapang at “bayani” ng isang fast food meal ng mga pulis habang hindi pa dumarating ang mga magulang ng bata. Ayon kay Christopher nag-iisip na siyang maging pulis balang-araw.