Nagkadurug-durog ang Tren!

Panaginip: Bumangga ang malaking trak sa tren. Nasaksihan ko ang banggaan in slow motion. Nagkadurog-durog ang trak at tren. May nakita akong mga kuting na naglalakad sa riles ng tren. Dinampot ko isa-isa ang mga cute na ku­ting. Nag-alala akong baka tamaan sila ng mga nagtatalsikang bakal mula sa sumabog na tren at trak.---EGW

Interpretation: Ang tren ay nire-represent ng malaking organization, halimbawa, isang kompanya. Ang pag-crash nito ay nagpapahayag ng pagkalugi o pagbabawas ng mga empleyado. Ang kuting ay mga bata. May darating sa iyong problema tungkol sa iyong trabaho at ang unang maapektuhan dito ay mga batang kinakalinga mo—anak or kung single ka ay mga batang malapit sa iyong puso.

Show comments