Fitness Tracker Bands

Hindi natatapos ang pagda-diet sa buwan ng January. Madali na ngayong magbilang ng kung ilang calories ang nasusunog araw-araw sa pamamagitan ng band-style fitness tracking kahit sa simpleng paglalakad nakasuot sa iyong pulso.

Makikita rin agad ang heart rate at  pulse rate habang nag-eehersisyo, nagwo-work out, tumatakbo, at nagbibisekleta.  Mababantayan din kung ilang oras ang masarap na pagpapahinga sa iyong pagtulog.

Marami nang magagandang pagpipilian ng fitness tracking na ang monitoring pa ay 24/7 na may alarm sa pagbibigay ng accurate statistic ng iyong activity at overhall health feedback.

 

Show comments