Dear Vanezza,
May bf ako pero long distance ang relationship namin. Tapos almost one month na siyang hindi nagti-text or tumatawag. Dapat pa ba akong umasa na magwo-work ang relasyon namin o i-give up ko na lang s’ya? Itago n’yo na lang po ako sa pangalang Mel.
Dear Mel,
Baka nawala ang cell phone n’ya, o na-delete ang name mo sa phonebook. Pero gaya nga ng madalas sabihin, kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan. Kahit gaano pa ka-hectic ang schedule n’ya ay gagawa ito ng way para makausap ka. Sa halip na ma-stress sa kakahintay sa text n’ya, magpaka-busy ka na lang sa iyong pag-aaral. Pero nasa sa’yo kung hanggang kailan ka maghihintay. Bata ka pa at mabuting ibaling muna ang panahon sa mga bagay na makabuluhan.
Sumasaiyo,
Vanezza