37-anyos na Briton Nireregla, Puwede Pang Mabuntis!

Grabe na ‘to! Isang 37-anyos na British man na nagtatago sa pa­ngalang Rob ang nireregla!

Pero isa pang na­kagugulat na nadiskubre niya ay ang pagkakaroon ng fully-functional reproductive organs. Ibig sabihin, maaari siyang mabuntis at manganak.

Normal ang pagi­ging “intersex baby” (ang pagkakaroon ng parehong ari ng panlalaki at pambabae, hormones, at chromosomes). Isa sa bawat 1,000 na ipina­nganganak ang nagkakaraoon ng ganitong kaso.

Nagulantang si Rob nang ma-diagnose siya ng mga duktor at sabihan ­siyang mayroon nga siyang fully-functional reproductive organs ng isang babae kabilang na ang uterus, cervix, ovaries, at fallopian tubes. Bago ito sa kanya dahil normal naman ang kanyang ari na panlalaki lamang.

Ang kundisyong ito ay tinatawag na Müllerian duct syndrome. Lahat ng fetus ay may tinatawag na Müllerian duct structure na karaniwang nade­debelop sa reproductive organ ng babae. Kung lalaki ang fetus, kadalasan itong natutunaw kalaunan. Pero sa kaso nga ni Rob, nadebelop ito.

Nalaman lang ni Rob ang “masamang panaginip” nang ikunsulta niya sa duktor ang dugo sa kanyang ihi. Nagsimula raw ang discharge mula pa noong puberty stage niya. Pero ang sabi ng duktor, hindi naman daw ito mapanganib dahil ito ay ang kanyang “buwanang dalaw”.

“The diagnosis came as a bombshell. I’ve never seen myself as anything but an ordinary bloke who has a normal sex life,” ani Rob. “It appears I could even potentially get pregnant,” dagdag pa nito sa isang interbyu.

Pero kung ang ibang kalalakihan ay nanaisin ang kundisyon niya para masubukang mabuntis at manganak, plano ni Rob ang sumailalim sa hysterectomy. Ang negatibong epek lang nito ay ang pagdaan naman niya sa menopausal period.

Ibinahagi ni Rob ang kanyang kuwento para malaman ng ibang tulad niya ang ganitong kundisyon at para makapagpatingin na rin sa mga espesyalista ang iba habang maaga pa. “I hope any ­other man with similar symptoms will get checked out,” pagtatapos ni Rob.

Show comments