Aswang Terriroty (26)
NANGATUWIRAN ang mga kapatid ni Avia.
“Mama, Papa ... hindi natin siya kalahi. Tao siya. Hindi pwedeng basta nating tanggapin nang hindi idaan sa pagsubok.”
“Tama si Kuya, mga magulang namin. Kailangan patunayan ng taong ‘yan na karapat-dapat siya sa ating lahi. Hindi pwedeng ganyan siya kaduwag tanggap na natin.”
“Isa siyang pahirap kay Avia at sa ating pamilya na rin kung lagi siyang ganyan.”
“Bigyan natin siya ng pagkakataon. Bago pa lang siya dito. Hindi pwedeng apurahin. Ayokong sasama ang loob ng inyong kapatid. Dahil baka ang mangyari, maiisip na lang ni Avia na siya na lang ang sasama sa mundo ng mga tao. Kaysa si Armani ang sasama sa mundo natin.”
“Nakakain na siya ng pagkain ng aswang. Dapat unti-unti na siyang tumatapang, hindi ba?” Nagsalita ang isa pang ateng aswang.
“Iba-iba ang epekto sa tao ng pagkaing aswang. Pwedeng tumatapang kaagad. Pwede ring bago mangyari ay mahabang panahon muna ang hihintayin.” Sagot ng maunawaing amang aswang.
“Patay. Paano kung kaytagal tumalab ang pagkaing aswang sa Armaning ‘yan? Magdudusa rin tayo nang matagal sa kaduwagan ni Armani.” Napapailing ang isang kuya.
“Alang-alang sa inyong bunsong kapatid, magpasensya kayo.” Huling deklarasyon ng ama.
PARA na namang naluluging magkatabi ang magnobyo sa hardin ng mga aswang.
“Mahal kong Avia, hindi mo na dapat inaway ang mga kapatid mo dahil sa akin. Okay lang naman ‘yung ginawa nila sa akin, e. Niligtas naman nila ako, hindi naman nila ako hinayaang mamatay.”
“Kahit na. Nakakapikon pa rin. Mahal na mahal kita, alam nila ‘yon kasi sinabi ko naman sa kanila. Tapos pinaglaruan ka nila sa ere? Eh, kung hindi ka nila nahawakan at bumagsak ka sa lupa? Durog-durog ka, Armani!”
“Eh, hindi nga nangyari. Imposibleng mangyari ‘yon dahil ang gagaling naman ng mga kapatid mo. Para ngang mga superman at superwoman, e.”
“Basta kapag naulit ‘yon, aalis na tayo rito. At hindi na nila ako makikita kailanman. Pupunta tayo sa pinakamalayo at mamumuhay tayo bilang tao.”
Nagtaka si Armani. “Bakit, Avia? Pwede ba talaga ‘yon? Na magiging tao ka? Paano?” - ITUTULOY
- Latest