Pantanggal ng Stress

1—Ilagay muna sa freezer ang eye pencil upang hindi madurog kapag tinatasahan.

2—Lagyan ng vanilla flavour ang pinturang gagamitin sa iyong bedroom. Sa ganitong paraan, hindi magiging masakit sa ilong ang amoy ng iyong kuwarto habang hinihintay mo itong matuyo.

3—Gamitin ang tongs para pigain ang juice ng lemon, dalanghita, oranges. (Picture A).

4—Gawin ang Viparita Karani pose (Picture B) para matanggal ang stress. Nagpapaginhawa rin ito ng pakiramdam kapag may menstrual cramps at lower back pain.

Show comments