Pinagtatabuyan ang Tatay

Dear Vanezza,

Nasanay na po ako na wala si tatay dahil nagsa-Saudi ito. Kaya naiinip na ko ngayon dahil mahigit 2 buwan na siyang nagbabakasyon. Akala ko, ay ako lang nakararamdam ng ganito kundi pati pala ang 2 kong kapatid. Dahil hindi kami makagala sa hapon galing eskuwela. Maayos naman po ang pamilya namin. Kaso mahigpit si tatay at maraming bawal. Sabi ni nanay hayaan daw po namin na mag-enjoy si tatay, kahit siya ay nag-aalala na rin dahil wala na kaming budget. Tama po ba ang iniisip ko? – Benjie

Dear Benjie,

Sanay ka na nga wala ang tatay mo sa iyong tabi, kung ngayon pa lang ay gusto mo na siyang umalis at magtrabaho uli. Pero dapat ay samantalahin mo rin ang oras na kasama siya. Iba pa rin kapag may tatay na titingin sa kalagayan n’yong pamilya. Pasalamat ka may ama kang ganyan. Hindi tulad ng iba na nagrereklamo dahil minsan lang nila kasama ang tatay nila, pero panay  naman ang paglalasing at alis ng bahay. Tama ang nanay mo na hayaan mong gampanan ng tatay mo ang kanyang responsibilidad bilang lider ng inyong tahanan.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments