Sexting

Ang pagpapadala ng sexy picture sa pamamagitan ng text messages ay isang karaniwan na lamang ngayon. Sa pag-aaral sa UK, na halos 50% ng edad 18 years old ay nakatatanggap na ng nude pictures.

Sinasabi rin sa research, karamihan sa mga young people ngayon, na involved na sa sexting ay isa na lang entertainment bilang pampalipas oras. Kahit sa mga murang edad at kahit sinong bata ay kaya nang magpadala sa cell phone ng hubad na pictures at nakikipag-usap sa phone na inaakala lang ng mga paslit ay harmless ang kanilang ginagawa dahil binubura nila ito agad.

Ang snapchat ay laganap na rin ngayon dahil 60% ng smartphone user mula sa edad na 13 hanggang sa matatanda ay madalas na itong ginagawa.  Nagpapadala ng photo, video, o drawing na bigla na lang mawawala ang image sa loob ng 1-10 segundo. Ang message na “snaps” ay sini-send sa mahigit bilyon na katao araw-araw.

Akala ng karamihan ang “teasing/sexting” ay hindi masi--save, pero ang simpleng screenshot o isang picture sa phone ay puwedeng magamit pa uli.   Ang FBI ay nagbibigay babala sa paggamit ng “snapchat” dahil madalas itong magamit sa video calling na pang-akit lalo na sa bata o teenagers na biktima ng pedophiles. Pinipilit subukan ng ibang grupo na i-delete ang apps at web tool sa ibang function ng snapchats para hindi sila mabuking.

Show comments