Sang-ayon ba Kayo na Pinigilan ni P-Noy ang Pagbibigay ng P2-K Increase sa SSS Pensioners?*
Siguro naman gusto rin ni PNoy na magbigay ng 2K, pero kasi nga iba mag-isip ang presidente, yung pang future scope. Inaalala lang niya yung pangmatagalang effect sa mga senior citizens. Hindi kakayanin sa mga susunod na taon dahil sa mauubos na ang pondo para sa mga pensioners kung bibigyan ng ganun kalaki. – Angel, Makati
* Pwes kung ganyan na walang malasakit si PNoy sa mga senior citizens, wala kaming iboboto sa mga manok niya sa LP sa eleksyon. Ang dami kaya naming botante sa bahay – Bebot, Masbate
* P500? Hello!!!! Kakapiranggot. Mano man lang na kahit 1K. Kung anu-ano nga ginagastos ng gobyerno. Ang lalaki rin ng salary increase at bonus ng mga opisyal, senator, kongresman, mayor. Pera rin naman ng tao ang SSS. Bakit hindi ibigay sa matatanda, deserve naman ng senior citizens na makatikim ng konti. – Mel, Hong Kong
* Palibhasa mayaman yan si PNoy at hindi pa siya senior citizen. Makakarma rin siya. Hindi niya alam kung gaano kahirap sa mga pensioners ang gastusin sa gamot at paospital. Lalo na ang mga mahihirap na matatanda na umaasa lang sa pension. Paano mauubos ang pera ng SSS eh galing din yan sa tao? Kung ibibigay yan sa senior citizens hindi masasayang ang pera. – Cecile, Tondo
- Latest