Ang oras na dedicated sa pananalangin ay lalong hindi kawalan ng sinoman. Ang sigundong prayer ay mas higt na mahalaga na tiyak din na may return of investment sa buhay.
Ang pangunahing dahilan ng panalangin ay upang magkaroon ng pakikipag-usap sa Panginoon. Hindi lang dahil sa manghihingi ng basbas sa mga goals at pangarap na gustong gawin ngayong bagong taon. Kundi una ay ang pagbibigay ng papupuri at pasasalamat dahil sa biyayang gabay at provision sa ating araw-araw na buhay.
Kung ang Panginoon Hesus sa Kanyang earthly ministry ay naglaan ng pananalangin, higit dapat ang tunay na nanampalataya sa Dios sa pagbibigay ng oras sa prayers. Tiyak na hindi masasayang ang oras sa paggugugol ng prayers na sinasagot ng Panginoon ang panalangin ng “yes, no, at wait.”
Gaano man katagal ang pagdinig ng Dios sa prayers, ang oras na ibinigay sa pananalangin ay laging may sagot depende sa Kanyang kalooban.