Simbilis sa Paglipad ng Agila

Isang linggo nang lumipas ang unang buwan ng Enero. Hudyat din ng pagtatapos ng mahabang holiday seasons. Napansin mo ba n a halos lahat ng tao sa buong mundo ay nagpalit na rin ng profile pictures sa kani-kanilang account sa social media.

Lahat ay naghahangad ng pagbabago, kaya naman naka-mind set na rin ang mga gustong gawin at abutin sa new chapter ng buhay ngayong bagong taon.

Paalala lang ni Haring David sa anak na si Solomon na huwag guluhin ang isip sa pagpapayaman; bagkus ay pag-aralan umiwas sa kayamanan, dahil simbilis din ng agila sa paglipad sa kalawakan ang hinahangad na pera. Pero sinabi rin ng tatay ni Solomon na huwag naman mahalin ang pagtulog dahil tiyak gigising siyang mahirap; kundi panatilihing gising nang may makakain kasama ang pamilya.

Show comments