- Palagay ko, may tulong naman ito kung maipatutupad nang maayos. Kasi kulang na kulang ang mga bus para sa mga pasaherong sumasakay. Nag-uunahan talaga ang mga tao lalo na kapag rush hour. Baka ito na ang solusyon para mabawasan ang ibang mga pasahero sa EDSA? - Dane, Sampaloc
- ‘Di ko sigurado, siguro sa Maynila solusyon ‘yun para sa kanila. Pero rito sa probinsya ok lang naman siguro kahit wala ‘yun. Kaya naman ng mga normal na bus dito at mga tricycle eh. Baka mamaya mas mahal pa ang singil doon sa dalawang palapag na bus. - Arthur, Pangasinan
- Naku, pampasikip lang ‘yan sa EDSA. Kung magdadagdag sila ng mga ganyan, bawasan nila ang mga puwedeng bumiyahe roon. ‘Yung lumang modelo ng mga sasakyan dapat e natsugi na sa pagbiyahe para bawas sa masikip na trapiko. Dapat sigurong mas bigyan ng pansin ang pagdami ng sasakyan lalo na mga pribadong sasakyan na pampasikip sa kalsada. - Nico, Cavite
-Bigyan natin ng chance at subukan kung makatutulong ito sa kasalukuyang sitwasyon ng trapiko lalo na sa Metro Manila. Hindi naman siguro makakasagabal ang kahit test nito sa masikip nang traffic sa atin. Baka nga ito pa ang makabawas sa mga pasahero sa kalsada. Mas mapapabilis na ang biyahe nila dahil may ibang option na ng masasakyan. - Mark, Antipolo
- Sa tingin ko, disiplina ng mga pasahero at motorista ang kailangan para sa trapiko sa metro. Kahit ano’ng uri pa ng sasakyan ang ilagay sa ating mga lansangan kung walang disiplina ang mga tao e hindi uubra ‘yan. Pero magandang subukan natin ang mga pagbabago para na rin sa ikauunlad ng bansa. Malay natin, nasa pagbabagong ito ang daan sa pag-unlad ng ating transport system? - Felix, Valenzuela