Ritwal Para Makaahon sa Utang

1--Tuwing Biyernes ay bumili ng kaun­ting asin na magaspang.

2--Bumawas ng isang kutsara sa binili at ihalo ito sa dati nang asin na ginagamit mo sa iyong pagluluto.

3--Itapon sa tubig na umaagos ang natira sa  bagong biling asin.

4--Sa loob ng sunud-sunod na 27 Fridays ay gawin mo ang procedure no.1 to no.3.

5--Kapag na-break mo ang cycle (nakalimutang gawin sa Friday), kailangan mo uling mag-umpisa ng bilang.

6--Ang asin na dinadagdagan mo every Friday ay maaari mong gamitin hindi lang sa pagluluto kundi sa paglilinis ng bahay upang magtanggal ng negative energy.

7--Kapag natapos ang 27 Fridays, magsagawa ulit ng second ritual or another 27 Fridays.

8--Ang unang ritwal ay mag-aahon sa iyo sa pagkakautang at ang ikalawang ritwal naman ay magdadala sa iyo sa kasaganaan. Kaya importante ang ikalawa.

Show comments