Paano Kung Overweight ang Anak?

Hindi lang ang mga matatanda ang nagsitabaan pagkatapos ng mahabang holidays kundi maging ang mga anak sa nakararanas mahabang bakasyon na lalo pang naging overweight. Karaniwan na gusto ng magulang na tulungang maging healthy ang mga bagets. Pero tandaan na madalas ay hindi lahat ng proseso sa matatanda ay puwede o tugma rin sa mga bata.

Ang mga bata kasi ay may kakaibang pangangailangan pagdating sa kanilang paglaki at development.

Makatutulong kung ipapakonsulta ang mga anak sa pediatrician para magabayan sa tamang paraan ng pagbabawas ng timbang kapag obese na ang bata.

Huwag din single out ang anak pagdating sa kinakailangan pagbabago para maging healthy ito, kundi kausapin ang buong miyembro kasama na ang magulang at ibang kapatid para maging buo ang team at magkaroon ng pagkakaisa sa hakbang na gagawin ng pamilya.

Show comments