Hindi na matiis si Kuya

Dear Vanezza,

Sumulat ako sa inyo dahil hindi ko na po matiis ang kapatid ko na lagi na lang umaasa sa akin. Mula bata at hanggang ngayon na 35 years old na ko at siya 40 years old, ako pa rin ang takbuhan niya. Mas maganda naman ang trabaho niya kaysa sa akin. Pero kasi nalululong siya sa karera. Kaya pagtalo ay ako agad ang tinatawagan niya. Ano po ba ang gagawin ko? Michelle.

Dear Michelle,

Hindi mo binanggit kung buhay pa ang mga magulang mo. Para sila mismo ang kumausap sa kapatid mo kung hindi mo siya kayang tanggihan. Walang masamang tumulong, pero kung alam mong ikaw na lang ang inaasahan, pagkatapos niyang magsugal ay masama rin ito. Subukan mong tiisin ang kapatid mo hanggang sa matuto siyang tumayo sa sariling paa at hindi na lalapit kapag kailangan ka niya. Kausapin mo rin ang kuya mo tungkol sa kanyang pagsusugal at masamang epekto nito sa financial niyang kalagayan.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments