Bitter Sweet ng OFWs

Habang ang lahat ay nagsasaya sa pagdiriwang ng kapaskuhan at sa darating na Bagong Taon, hindi rin maiiwasan  na maging bitter sweet ang okasyon lalo na sa mga pamilya ng masisipag natin na kababayan na mga Overseas Filipino Workers.

Kahit sabihin pa na tambakan ang pagpapadala ng Balikbayan boxes na puno ng mga regalo para sa asawa, anak, nanay, tatay, lolo, at lola. Pero minsan hindi pa rin mapapawi ang kirot sa kapwa na nalulungkot na naiwang loved ones at manggagawa sa ibang bansa.

Mabuti na lang sobrang hi-tech na ang means of communication ngayon. Mabilis agad magawan ng paraan na maka-connect sa mami-miss na mi­yembro ng pamilya. Hindi na lang ngayon naririnig ang boses ng asawa, kundi face to face na nakikita at kaharap sa screen ang asawa, nanay, kuya, o ate sa kanilang pinagtatrabahuhan.

Para ka na ring nakauwi saglit sa ‘Pinas sa san­daling makausap at makita sa computer screen ang pamilya ngayong holiday season.

Madali na rin ma-update ang selebrasyon ng bawat isa dahil sa panay ang posting sa social media ng mga pictures at masasayang moments ng naiwang pamilya ganundin ang activities ng asawa sa kanilang trabaho kasama ang mga co-workers din nila, kaya hindi na rin mahuhuli sa kaganapan ngayong importanteng okasyon ng taon.

Show comments