ANG napakalapad na kahoy kung saan sakay sina Miley at Lorenz ay patuloy lamang na lumulutang.
“Miley, ang mga kasamahan natin, wala pa tayong nakikita …”
“Na mabubuhay tayong mga taong may mabuting puso? Ang mga masasama lamang ang inalis ng Diyos sa islang ito?”
“Oo, Lorenz. Panahon na para ang kapangyarihan ng Diyos na ang mangingibabaw sa isla. Kaya matatagpuan natin ang mga kasamahan natin, maniwala ka.”
“Okay, Miley. If you say so. Basta dito lang tayo sa ibabaw ng kahoy na ito at magtitiwalang maililigtas natin ang ating mga kasamahan. Pati si Blizzard. Pati si Doktor Larry na naging undead ang itsura.”
Nanatili nga sila sa kahoy.
Mataas na ang araw.
Ang isla ay may tubig pa rin, hindi pa rin lumilitaw.
At hindi pa rin nila nakikita ang mga kasamahan, kahit isa.
“Miley, suko na ba tayo? Tayong dalawa na nga lang ba ang natitira?”
“Huwag muna, Lorenz. Huwag muna tayong sumuko.”
May mga ingay sa itaas, napatingin sila.
“Lorenz! Nakikita mo?”
“Yes, of course! Mga iba-ibang ibon!”
“At dumadapo sa ating sinasakyan!”
Napakagagandang ibon ang mga tumabi sa kanila, amazed sina Miley at Lorenz.
“Totoo ba ito? Para ngang Noah’s arc ito! Lahat na klaseng ibon kasama nating mga nabuhay!”
Ang ibang ibon ay dumapo pa sa mga balikat nina Miley at Lorenz. Nahahawakan pa sila ng dalawa.
Naluha si Miley. “Totoo ba ito, Lorenz? This is a miracle of God and it’s a very beautiful miracle!”
“I agree. Pero sana, Miley … kung ang mga ibon na ito ay nabuhay sana ang mga kasama natin buhay din. Matagal silang naghirap dito sa isla, tulad natin. Ang sakit isipin na tayo lang ang naligtas.”
Bigla ring nalungkot si Miley. Hinahanap niya ang justification. Sila ni Lorenz, buhay. Ang mga ibon na ito, buhay.
Bakit ang mga kasama nilang tao na pagkababait at nagdusa, natulad kina Reyna Coreana ang kapalaran?
ITUTULOY