2 BF na ka-chat sabay din darating

Dear Vanezza,

Ako si Lenlen, 35 years old. May ka-chat ako. Ang problema, parehong darating ang bf ko isang taga-US at Norway. Pareho silang 50 years old, single, parehong mabait, na may promise na pakakasalan ako at dadalhin sa kanilang bansa. May isa akong anak na  6 years old. Hindi naman ako kasal. Ano ba ang gagawin ko?

Dear Lenlen,

Aba, jackpot ka Lenlen dahil dala-dalawa pa ang dyowa mo. Pero mag-ingat dahil baka parehong mawala sila sa iyo kung hindi ka magiging honest. Hindi laruan ang pag-ibig. Paano ka makasisiguro na gaganda ang buhay mo at magiging masaya ka sa piling nila. Piliin mo kung sino ang mas matimbang sa iyo. Maging stick to one ka lang. Baka bumalik sa iyo ang karma at magsisi ka sa bandang huli. Nawa’y maging wise at maging tapat sa iisang bf na pipiliin mo.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments