Madamot na Bayaw

Dear Vanezza,

Dumating ang ate ko mula UK. Ilang taon din na hindi ito umuwi ng bansa. Matagal nang nurse si Ate kasama ang kanyang asawa at pamilya roon. Ang problema ay hindi kami makahingi ng pera sa kanya dahil ang asawa niya ang may hawak ng pitaka at ATM nito. Binigyan  naman kami ng pasalubong, pero hindi kami makahirit ng dalawa ko pang kapatid. Hindi ko alam kung nahihiya si Ate sa asawa niya o umiiwas lang itong mag-away sila ng madamot kong bayaw. Ano po ba ang dapat naming sabihin sa kanya?

Mae

 

Dear Mae,

Hindi mo masisisi ang kapatid mo dahil may sarili na siyang pamilya. Pero puwede mo naman itong kausapin at sabihin na nanghihingi ka ng pera. Hindi naman kasi porke galing sa ibang bansa ay marami nang pera. Maaari ring naka-budget lang din ang gastos nilang mag-asawa. Magtanong ka at ‘wag kang manghinala para maliwana-gan mo rin ang totoo. Malay mo may problema lang sila.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments