Kahit saan ay kailangan ng mga bata ang disiplina, pero maraming nanay at mommy ang sobra ang pagka-strict. Ang sobrang paghihigpit na wala sa lugar ay hindi nakatutulong, kundi nagpapalala pa ng sitwasyon ng mga anak. Alamin ang mga signs na ipinapakita ng mga bata kapag sobra na ang paghihigpit sa anak:
Pagsisinungaling- Ang isang sign na ikaw ay OA na sa paggiging strict, ang resulta ay consistent na pagsisinungaling ng bata. Kapag panay na ang hindi pagsasabi ng totoo ng bata, sensyales na ito na ang magulang o guardian ay lumampas na sa paghihigpit. Ibig sabihin hindi na effective ang ini-impose na disipline tactic sa anak. Imbes na nakapagtuturo ng tama sa bata, sa halip ay na-encourage pa silang magsinungaling na patuloy na iniiwasan ang responsibiliad na gustong ipagawa ng nakatatanda. Madalas din ang paggawa ng sariling kuwento para ma-justify ang kanilang pagkakamali.
Argumento – Likas sa bata ang magtanong o mangulit bago gawin ang isang bagay. Pero kapag panay na ang pakikipagtalo o argumento nito sa magulang ay sign na napi-pressure ang anak sa sobrang kahigpitan ng bantay niya. Huwag sobrang seryoso na nakapokus na lang sa pag-enforce ng mga rules. Gawing masaya at healthy ang relasyon sa pagitan ng mga bata. Lumabas at makipaglaro sa mga ito. Imbes na makipag-argumento sa bata ay samahan ito sa kanyang mga activities para maintindihan ang kanyang inirereklamo sa pinagagawa sa kanya.
Pagsunod- Kapag ang bata o estudyante ay sumusunod lang sa harap ng magulang o teacher. Pero ‘pag wala nang bantay o nakatingin sa kanila ay parang nakawala na sa kural, sign na ito na hindi na umuubra ang pagiging strict sa bata. Maganda naman na magkaroon ng rules, pero kapag hindi na balanse ang pagtuturo na puro na lang utos, sigaw, pagpuna sa maling nagawa, nasasakal din naman ang mga bagets. Bigyan din sila ng praises, privileges, reward, at merit sa bawat positibong nagawa ng bata. Walang masama sa pagiging strict at firm, pero dapat ibalanse rin ito ng pagiging loving ng mga taong nakapaligid sa kanila.